channel-of-blessing

spiritualinspiration:

I’ve learned that when the enemy attacks, God reacts. God doesn’t just sit back and think, “Well, I wonder what’s going to happen. I wonder what they’re going to do.” No, God goes to work. You are His most prized possession. It says in Psalms, “God is close to those that are hurting. God is close to the broken hearted.” God knows when you’ve gotten a bad medical report. He knows when you’re struggling in your finances. He knows when you’re being mistreated. You may not see anything happening, but you can be assured that Almighty God is not only aware, He is at work. He already has the solution. If you will stay in faith, at the right time, He will release a flood of His power, a flood of healing, a flood of restoration. He will not only bring you out, He will bring you out better off than you were before!

Crushiiie

Sabi nila “People come and go.” Oo, sang-ayon ako sa katagang yan dahil naranasan ko yan lalo na pag pag-ibig ang pag-uusapan. Simula nung nawalan ako ng boyfriend (4thyr HS), madaming dumating na lalaki sa buhay ko, nagparamdam ngunit umalis din. Di ko alam kung nainip ba o sakin lang talaga ang problema. Di ko na iniisip yun. Pero ngayon, sa dinami-dami nila, etong nag-iisang eto na siguro ang pinakamatagal kong naging kaclose, laging kausap etc etc. Di ko masabing “nanliligaw” siya dahil alam ko sobrang close na magkaibigan lang kami. Pero kung sa closeness yung pagbabasehan na nilagyan ko ng “malisya” e siya na yung pinakamatagal.

Nakwento ko naman na na crush ko tong lalaking to. At hanggang ngayon ata crush ko padin siya. Noon, lagi lang kami magkachat at nag-aasaran. Yun palang yung kakakilala palang namin halos. From chat nadagdagan ng text pero sobrang bihira. Tapos, dumating yung araw na naglakas loob akong yayain siyang lumabas. First time ko siyang nakasama (at nameet mama at kapatid niya), medyo kabado pa ako noon kasi baka awkward at buti nalang hindi. Naenjoy ko naman yung lakad naming yun (thank you sa asaran moments namin sa fb) at napag-usapan naming may next time pa kasi may utang pa akong kwek kwek sa kanya nun hahaha. Edi ayun medyo naging close pa kami at nakilala namin ang isa’t isa. Nung umuwi siya sa kanila nung bakasyon, madalas ko siya katelebabad sa cp tuwing madaling araw kaya halos buong buhay ko nakwento ko na sa kanya at ganun din naman siya.

Bago magpasukan(almost a month). Natuloy yung “next time” na napag-usapan namin kaso may mga kasama kami nun (na dapat kaming dalawa lang at issurprise niya ako sa pupuntahan namin kaso di natuloy). Nahirapan pa nga ako pilitin siya na ituloy yung lakad kasi nahihiya siya sa mga kasama ko ang awkward daw. Pero in the end, naging kaclose naman niya sila at naenjoy naman namin araw namin.

After nung lakad na yun, 2 weeks ata bago kami magkita ulit pero saglit lang yun. Pero sa araw na yun, natuto na siya manapak at hawakan ako. (Nung una kasi parang di niya pa ko magawang dikitan na para bang andumi dumi ko HAHAHA). Yung mga araw na yun dating gawi padin: asaran sa fb, medyo nakakapagkwentuhan na kami sa text ng mga drama at reklamo sa buhay, gisingan. Natuto na ako na mamiss siya. Pero wala naman ako magawa kasi ayaw ko ako lagi nag-aaya lumabas.

After 2 or 3 months, nagkataon may concert ng UDD sa school nila. Niyaya niya ako manuod ng concert. My first concert date, and it was a great experience! Para bang may something sa auditorium nila na parang mas naging close kami (literal). Dagdag mo nadin siguro na may mga katabi kaming hindi namin kilala kaya ganun nalang dikit namin sa isa’t isa. Ewan, basta. Di ko din maalala pano nangyari pero bigla nalang hinahawakan niya kamay ko, minamasahe kasi pinatunog niya mga buto sa daliri ko at nanghina kamay ko, tapos sumasandal na pala ko sa kanya at di na kami naghiwalay. Di ko din alam haha pero isa lang ang alam ko, ang saya ko nun. Kinikilig ako. Literal haha. Ewan. Bastaaa. Sobra. Tapos di natapos yun nang hindi kami kumakain. Sympre busog sa kinain lalo na sa kwento. Masaya yung araw kong yun. Di ko malilimutan yun lalo na yung kilig ko. Hahaha.

After nun, parang may nagbago na ata talaga. Parang mas naging close pa kami, kinabukasan iniyakan niya ko at naiyak din ako (oo damayan kami lagi eh). Mas madalas na niya ako tinetext, pero may oras padin ng reply lalo na sa chat (busy syang tao), tatawag siya pag nagrequest ako na kantahan niya ako. Mas open na siya di katulad noon. Oo masaya ako sa resulta ng ganitong relasyon. Na slow and steady, pero hindi ko padin alam anong nararamdaman niya. Dapat ko bang alamin? Di ko kasi alam kung ippush ko ba to eh. Masaya ako kasama siya oo. Masaya ako kausap at kachat siya. Masaya ako andyan siya lagi para pakinggan mga reklamo at drama ko. Masaya ako na andyan siya para ayusin mga topak ko. Pero gaano nga ba ako katagal mag-aantay para sa kanya? Di naman sa nagmamadali ako. Kailangan ko lang siguro ng assurance na hindi sayang to. Pero one thing’s for sure, he’s a keeper. :) Di siya gaya ng ibang lalaki diyan, lumalaki ulo niya minsan pero he can be the humblest person I know lalo na sa mga good deeds na nakita kong gawin niya. Nakita ko kung gaano siya kafamily-oriented at capable siya sa lahat ng bagay (except magluto). MATINO siyang tao. May RESPETO sa babae at sa kapwa. Naaalala ko nga nung pinopromote ko Game of Thrones sa kanya. Ayaw daw niya panuorin kahit maganda daw yun kwento. May mga disturbing scenes daw kasi. Mas nagustuhan ko siya nung narinig ko sa kanya yun. :”) hahaha. Ewan. Why. Ewan. Ewan…. BASTA HAHA. Let’s see.

Push ba to? :)